Martes, Setyembre 27, 2016

Wikang dinamiko

  Ayon sa isang American Indian “ kailangan natin ang wikang dayuhan para mabuhay sa kasalukuyang panahon, Pero kailangan natin ang wikang sarili, para mabuhay nang habampanahon”
Ang wika ay nag simula sa tunog,binigyang kahulugan hanggang sa naging salita at ginamit sa komunikasyon. Alam natin na ang Pilipinas ay binubuo ng iba’t ibang wika, isa na rito ang wikang FILIPINO na pambansang lingua franca. Ang wika ay dinamiko ito ay nadadagdagan at nagbabago sa paglipas ng panahon kung kaya’t nalikha ang mga salitang jargon na ginagamit ng grupo ng tao upang magkakaintindihan na may iisang hangarin at layunin tinatawag itong liggwistikong komunidad. Sa panahon ngayon marami nang nagawa o naimbento na mga salita na napapanahon at dahil sa ekspresyon ng isang tao o grupo ng tao kagaya nalang ng goblok, lopay, otaku at SYKA.Kayo narinig niyo na ba na ginamit ito sa larong DOTA 2 at sa Social Media? Marami parin ang nag-aaral tungkol sa mga lokal na wika, nagpapahiwatig lamang ito na marami paring kabataan ang gumagawa ng kani-kanilang wika. Pero sa kabila ng pag-iimbento ng bagong wika o mga dayalekto ay hindi parin natin makakalimutan ang ating wikang pambansa na ginagamit natin sa ating pag-aaral, ito ay ang wikang Filipino, sa totoo lang marami parin ang nagtatanong kung bakit nila nalikha ang mga salitang ito, kayo alam niyo ba? Para sa akin, kasiyahan lamang ito kumbaga for the char(ftc), na talaga namang ginamit hanggang sa nakasanayan nila ito. Ayon sa KWF “tinitiyak nila ang pagtatayo ng isang komisyon na “magsasagawa, mag-uugnay at magtataguyod ng mga pananaliksik hindi lamang sa wikang pambansa, kundi sa iba pang mga wika ng mga Pilipino.”
Mahalagang papel ang ginagampanan ng ating wika lalong-lalo na sa komunikasyon. Ang wika rin ay indikasyon sa maunlad na bansa dahil sumasalamin ito sa kagawian ng mga mamamayan o nasasakop nito. Dapat ang wika ay pagyamanin at at linangin dahil ito ang pag-asa ng ating bansa tungo sa kaunlaran.
rendonlumod.blogspot.com

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento